Mahigit isang taon na pala ang lumipas magbuhat ng huli akong madalaw sa iyo, marami na ang nagdaan sa buhay ko at marami na ring nagbago, ngunit naririto pa rin ako at nangangapa sa tunay na kahulugan ng buhay. Di ko pa rin alam ang landas na aking tutunguhin hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa aking mga balakin at naisin. para akong isang alikabok na napapadpad kung saan man ako dalhin ng hangin.
Minsan na akong nadapo sa isang tigang na lupa na ang buong akala ko ay lalamunin na lang ako ng panahon at hahalo upang isang matigas na putik ngunit muli nanaman ako pinadpad ng hangin, napadpad ako sa isang parang na sa kaniyang sobrang kalakihan ay parang lalamunin ako ng aking kapaligiran, ngunit ginawa ko na lang na ang buhay ay maging isang katatawanan.
Sa bawat lugar na aking mapupuntahan ay nag iiwan ako ng mumunting bakas ng kaligayahan, minsan naman ay kalungkutan.
hanggang sa isang araw ng aking paglalakbay ay nasadlak ako sa isang napakalaking karagatan na noong una ang akala ko ay isa lamang mumunting lawa, ngunit akoy namangha at nalunod sa malaking karagatan. Ay nais ko sana ay umahon upang mailigtas ko man lang ang sarili kong minsan ng nalubog sa kumunoy ngunit pumilit na bumangon upang haraping muli ang panibagong buhay. Nasa katawan ko pa ang bakas ng putik ng kahapon, mabigat pa ang aking dala dala kaya nga sigurot ng akoy madapo sa tubig na inakala kong kaginhawaan ay nagpatihulog na lang akong kusa upang maranasan ko naman minsan ang alat ng karagatan na para sa akin ay sintamis ng pulot pukyutan sa kaniyang sisidlan.
Ngunit ang pait at alat ay paminsan minsan pa ring nangingibabaw ang tubig na minsan kong minahal ay ang tubig din palang lulunod sa aking natatamong kaligayahan hihilahin nya uniti unti pababa sa sahig ng karagatan ang aking marupok na katawan at doon kasama ng mga buhangin ako ay mamumuhay ng payapa ay susunod na lamng sa agos ng kapalaran. Ngunit ang nais ko ay magpumiglas at muling umahon sa makamandag na karagatan ang nais ko ay mamuhay ng mapayapa kapiling ang kalikasan, nais ko ng katahimikan, ng kaginhawahan at kasaganahan.
kahit akoy isang alabok lamang karapatan ko rin naman ang mamuhay ng may katahimikan. Ngunit sa aking isipan ay maraming agam agam kung ang susuod ko bang hakbang ay tungo sa aking kaunlaran o magiging isa nanamang bangungot na muling papatay sa masigla ko ng katawan. magulo ang aking isipan natatakpan ng makakapal na ulat ang kalangitan di ko malaman ang daan na aking pupuntahan. mabilis ang ihip ng hangin at napapadpad kung saan saan. Ayoko ng lumaban ayoko ng sumabay sa kaniyang kaliluhan ang nais ko na lamang ay maging isang alabok na may kabuluhan di lamang sa aking kalikasan ngunit pati na rin sa buong sanlibutan.
kailan ba patatahimikin ng may kapal ang aking damdamin at isipan baka sa susunod naman ay sa apoy o sa alapaap na lamang dumapo ang aking katawan.
http-equiv="Content-Type" content="text/html; charset=utf-8"> name="ProgId" content="Word.Document"> name="Generator" content="Microsoft Word 12"> name="Originator" content="Microsoft Word 12">
Ayoko ng maramdaman ang pakiramdam na ito na parang namamatay na ako…ang tagal bago mawala ang lungkot pag gising ko sa umaga nakikipag laban ako, pero ayaw ko na talagang umasa na magkakabalikan pa kami at magugustuhan nya pa ako. Alam ko na maraming tao sa mundo marami pa syang makikilala na hihigit pa sa akin pero nasasaktan ako pag naiisip ko ang mga bagay na iyon, kasi ang alam ko palagi siya lang at ako, ako lang at siya, isang matinong relasyon isang matinong pagsasama isang normal na tao na may karapatang mag mahalan ng totoo. Mahirap ba yon diba hindi naman?
Bakit ganun sadyang mapaglaro ang tadhana.
Kung kasiyahan ang dahilan ng pag ibig, kasiyahan din ba ang dahilan ng hiwalayan?
Ito lang naman ang nasa isip ko. Hahahhaha ayoko ng malungkot kasi iniiisip ko rin kung magkakabalikan pa kami magiging masaya kaya uli ako, masaya na akong nag iisa pero minsan alam kong namimiss ko sya. Yun na ang mga panahong parang gusto ko ng mamatay dahil ang pakiramdam ko siya na ang kalahati ng aking buhay ang kalahati ng aking kasiyahan. Pero bakit ganun parang pinatay nya ako alam nya namang mahal na mahal ko siya alam nyang kaya kong ibigay sa kanya ang aking buhay, maging masaya lang kaming dalawa. Kaming dalawa? Pero nasan siya wala na iwniwan na akong mag isa.
Nakakatuwang balikang tanaw ang masasayang sandali ng aming pagsasama pero sa bawat butil ng alalaala na aking dinadama ay parang untiunting bumibigat ang aking puso at di ko na nakakayanang ipagpatuloy pa. wag na lang muna alalahin ang mga sandaling iyon di pa siguro nararapat di pa siguro napapanahon. Masakit pa para gunitain ang mga alala ng kahapon na nagging sanhi ng aking kalungkutan ngayon.
Nagtataka na nga ako minsan kapag ang aking nadarama ay parang wala akong problema, normal, wala akong naiisip, wala akong inaalala talagang parang wala pero alam kong panandalian lang ang pakiramdam na ako sa ngayon hinihintay ko talaga ang takdang oras na makahinga na ako ng maluwag hinihintay ko ang takdang oras na wala na akong maramdamang lungkot at pighati. Kung maaari nga lang ay mula sa araw na ito habang panahon na kahit nandyan pa siya at nakikita ko pa. Gusto kong patunayan sa kanya na kayak o ang lahat, kahit wala pa sya gusto kong patunayan na kaya kong mabuhay magisa at ang lahat ng sinasabi ko sa kaniya ay pawing kasinungalingan lamang para lang maisalba ko ang relasyong iningatan ko ng mahabang panahon. Ayokong maiwan ng panahon ayaw kong maiwan ng pagkakataon ayaw kong malugmok na lamang habang panahon sa lungkot at pait na naidulot ng pag ibig na ito, kun siya nga masaya na, bakit ako hindi pa kasi sya ang nang iwan, kasi sya ang umalis at naghanap ng papalit sa puwang na nasa kanyang puso. Talo ako talo wala akong laban kasi wala na siyang nararamdaman, ano pa ang magagwa ko puso na ang kalaban ko at hindi tao.
Naunahan lang ako, maraming beses na rin akong nagtangkang makipaghiwalay at lumayo, pero bakit di ko magawa sana ay maibalik ko na lang ang panahon na ako ang nagloko , na ako ang umaayaw, na parang ayaw ko na syang makita at makasama pa. Pero hindi, nung mga panahong iyon di ko pa ring magawang di sya makita alam kong babalik pa rin ang pagtingin ko sa kanya at alam nya rin na di ko makakayanan na mawala sya, di siya umaalis sa tabi ko, kapag lumalakad ako ng mabilis, lalakad din sya, kapag tatakbo ako tatakbo din sya, kapag sasakay ako ng bus kasunod ko sya, kapag bumaba ako bababa din sya, habulan sa medaling salita pero di sya lumayo sa aking tabi. Kailangan bang gawin ko rin ang mga bagay nay un, kailangan bang habulin ko sya kung san man sya mag punta, kailangan bang tumakbo din ako kung tatakbo siya, noong panahong nagmahal sya ng iba kailangan ko rin bang mahalin un, kunh nakikipagkita siya sa iba, kailangan pa bang kasama pa ako? Anong sakit pa ba at pasakit ang dapat kong maranasan para masabing mahal ko siya. Sumusuko na ako ngayon ayaw ko na, alam kong ayaw nya na at nauna lang nawala ang pag mamahal nya sa akin pero alam ko at naniniwala ako kahit konti ay mahal pa niya ako, ako lang naman ang di nakakalimot dahil ang alam ko talo ako, ang alam ko nagkamali ako.
http-equiv="Content-Type" content="text/html; charset=utf-8"> name="ProgId" content="Word.Document"> name="Generator" content="Microsoft Word 12"> name="Originator" content="Microsoft Word 12">
Bakit ganun ang dami pa ring tanong sa isipan ko, bakit nalulungkot pa rin ako tuwing umaga pag gising ko, sobrang lungkot na parang kahit na kagagaling ko lang sa mahabang pagpapahinga ay nanghihina pa rin ako. Di ko na alam ang gagawin ko di ko na alam kung paano nanaman matatanggal ang lungkot na nadarama ko, takot na nga ata minsan walang katapusan sa totoo lang ayaw ko na masaktan ayoko na malungkot ng ganito maraming bagay akong naiisip gawin pero bakit hindi ko magawa pilit ko pa ring isisiksik ang mga bagay bagay sa isip ko na madaling makakapagpalimot sa kanya…alam kong din na ako ang gumagawa ng kalungkutang ito natural na lang sya na pumapasok sa isip ko , kahit sa panaginip nakikita ko sya at ang sinasabi nya lang ay ang mga katagang ayaw ko na. bakit ganun pinahihirapan ba ako ng Diyos upang magising ako sa katotohanan na talagang wala na tapos na ang kabanata ng buhay naming. Pero hindi eh alam kong tanggap ko na na wala na kami at nasanay na rin ako na wala sya sa tabi ko ang mahirap lang talaga nag kikita pa kami hanngang aug. 14 2009 ,un ang mahirap tanggapin ilang lingo nya pa ako papahirapan ilang lingo nya pa ako papasakitan, pag ganun parang nagkakaroon ako ng pag asa parang nagkakakroon ako ng konting liwanag ang hirap makipag plastikan ang hirap kumilos ng normal lao pat nakikita ko lahat ng kinikilos nya lahat ng ginagawa nya at sinasabi nya lahat un nakikita ng mata ko at naririnig ng tenga ko.
Ang hirap bang tanggapin ng pagkatalo? Hindi eh pag mamahal ang nararmdaman ko na unti unting nawawala ,di ang pag katalo matagal ko ng alam na talo ako, at tinanggap ko na ang katotohanang iyon pero bakit pinahihirapan pa rinang kalooban ko ano pa ba ang dapat kong gawin.
Ako lang ba ang nahihirapan ng ganito? Diba dalawa kaming nangarap dalawa kaming bumuo ng buhay pero iniwan nya ako, nawala ang kaniyang pag mamahal, nagsawa sya nasaktan, napagod o kung ano pa mang dahilan ang sabihin nya sa akin, oo tinanggap ko na ang mga bagay na iyon, pero ayaw ko ng mahirapan ng ganito. Minsan ibinabalik ko ang mga nangyare sa akin noon, yung mga panahoong ako ang nag iwan ako ang nagging masaya sa kabila ng kalungkutan at pag hihirap ng mga nagging kapareha ko. Pero alam kong di ganitong kahirap kasi tapos na ang pagmamahal ko nuoon tapos na pag ibig ko, wala na ang lahat naalala ko na lang sya, pero di ko alam kung awa, lungkot ang nararamdaman ko pero di pag mamahal. Kaya di nya ako pedeng lokohin nab aka baling araw maging kami uli hindi totoo ang mga bagay nay un wala syang kailangan sa akin wala rin naman akong kailangan sa kanya yung pag mamahal lang yung intindihin lang ako, at unawaiin, alam ko na maraming tao sa paligid pero sino ang taong mamahalin ko, at mamahalin din ako sa paraang gusto ko.
Mahirap na uli makahanap ng ganun, kasi di ko pa sinusubukan, kilala ko ang sarili ko matagal akong makatagpo ng taong mamahalin ko, matagal akong makahanap ng bagong pag ibig, takot kasi ang nananig sa akin, takot ang unti unting pumapatay sa akin. Di ko na alam minsan ang gagawin ko palagi na lang ganito.. parang din a natatapos akala ko masaya na ako, pero ayaw kong damhin ang kasiyahan dahil alam ko na bukas malulungkot din ako. Alam ko na di pa tapos ang pag durusa ko, pag nasa gitna ako ng kalungkutan naiisip ko nanaman ang hanggan n gaming pagkikita kapag dumating na ako sa sandaling iyon paano na, ano nanamang hirap ang mararamdaman ko. Baka yun ang di ko na makayanan.
Ayaw ko na ng buhay na ganito gusto ko ng bumalik sa normal na estado ng buhay ko…ayaw ko ng malungkot sa kabila ng kasiyahang kaniyang nadarama, ako nag hihirap ng ganito pero sya ano nasan sya nag papakasaya, nagpapakaswa sa buhay, nakikipagkita at nakikipagtalik kung kani kanino, pero ako bat di ko magawa, bat ako di ko makayanang gawin ang mga bagay nay un, isa yun sa mga bagay na isiisip ko nab aka yun ang paraan para sumaya ako. Pero hindi nalulungkot ako alam kong di tama, kasi itinuwid ko na nga ang buhay ko bakit ibabalik ko nanaman sa putik, ayaw ko ayaw ko ayaw ko. Pero kung dumating ang takdang panahon na makakyanan ko ang lahat. Magagawa ko ang mga bagay na ginagawa nya. At patuloy na ako ay magiging masaya, matutunan kong mabuhay na wala sya at makakakita ako ng bagong tao na makaksama ko sa buhay.
http-equiv="Content-Type" content="text/html; charset=utf-8"> name="ProgId" content="Word.Document"> name="Generator" content="Microsoft Word 12"> name="Originator" content="Microsoft Word 12">
Di natin namamalayan ang pag takbo ng panahon, kay bilis nyang dumating kay bilis nya ring umalis. Parang Pag ibig sariwa pa sa aking alala ang tamis ng aming pag susuyuan at sa tuwing pumapasok ito sa aking isipan ay may kurot akong nararamdaman sa aking dibdib. Kurot ng panghihinayang, pag sisisi, takot, kaba, hapdi at marami pang iba kasunod naman nito ay ang walang kamatayang lungkot at mga kuro kuro sa aking isipan na lalong nagpapatindi ng sakit na aking nadarama.
Alam kong hindi pa tapos ang aking laban marami pa akong bagay na dapat harapin, na ayaw ko munang isipin hinahayaan ko munang mapahinga ang aking isipan sa mga sakit na dulot ng pag ibig. Mahirap mang tanggapin ngunit kailangang mabuhay ako sa katotohanang aking kinakaharap ngayon, sa katotohanan na wala na at tapos na ang lahat sa amin. Di ko na kayang ibalik ang tamis ng pag ibig dahil sumuko na sya at nagsawa. Wala ng nararamdaman at manhid sa di ko alam na dahilan, ang hirap sagutin ng aking isipan ang mga katanungang palaging pumapasok sa aking isipan kung bakit nangyare ang mga bagay na ito, kung bakit kailangan kong danasin ang kalungkutang ito. Saying nakapanghihinayang an gaming matamis na suyuan, oo ngat minsan ay dumaraan din kami sa maliliit na pagsubok n gaming buhay ngunit patuloy naming itong nalalampasan, patuloy namain itong pinaglalabann, ngunit ngayon wala na ito na ang katotohan at realidas na humantad sa aming harapan. Tapos na ang araw na iyon. Sa ngayon ay pinaglalabanan ko na lang ang hapdi ng sugat ng kahapon, nilalabanan ko ang lungkot na patuloy na nakakapanghina at unti unting pumapatay sa aking marupok na katawan, ngunit di ako dapat mag patalo di ako dapat sumuko, may laban ang bawat buhay, di ako dapat tumigil lang sa ganito, di pwedeng mag paapi ako sa isang tao na tinuring ko ring buhay noon ngunit ngayon ay kaaway ng aking isipan.
Sabi nila mabuti nga raw na naranasan ko ng mag mahahal at mahalin ng totoo? Sa akin oo dahil alam ko na katotohanan ang lahat ng ipinapakita ko, di ko kayang dayaain ang aking sarili na maging masaya gayong lumabay naman talaga ang aking nadarama. Di ko maaring lokohin ang sarili ko na ako ay maligaya gayong ang puso ko naman ay nag durusa.
Mabuti na rin hanggat maaga ay nalaman ko na? ang alin ang masaktan ang sumuko at manghina?
Diba may paraan pa naman at may pag asa? Ngunit nasan kung ang isang puso ay tumigil na s pagtibok at nag mistulang patay di humihinga at isa ng bangkay.
http-equiv="Content-Type" content="text/html; charset=utf-8"> name="ProgId" content="Word.Document"> name="Generator" content="Microsoft Word 12"> name="Originator" content="Microsoft Word 12">
Gusto ko sanang isulat ang kwento ng aming pag iibigan isang pag iibigang nag simula sa wala at natapos na parang isang bula, naglaho ng kusa. Kung babalikan ko pang isa isa ang mga sandaling iyon sa aking buhay ay kulang pa siguro ang gabi na ito para mailahad ko ng tama ang bawat kasaysayang tumatak sa aking utak at bumuo ng isang napakagandang pangarap.
Hindi na siguro dapat dahil hindi rin naman kakaiba ang istorya ko sa iba, di rin naman masyadong maganda isang simpleng kwento lang ng pag iibigan na may konting kilig, konting, lungkot, konting saya. Ngunit alam ko at naramdaman ko na kakaiba ito sa lahat ng aking mga nauna. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito, sa kabila ng pagmamahal na ibinibigay ko, siguro noon nilalaro ko lang ang pag ibig, nilalaro ko lang ang isang relasyon, pero ngayon tumira na kami sa isang bubong at sabay na nangarap para sa pagsasama ng habang panahon.
Pero nasan na ang habang panahon na aming pundasyon, nasan na ang habang panahon na aming pinangakong ibabangon saan man kami nadapa, wala na nag laho na na parang bula. Di rin naman siguro nagging masaya an gaming simula kaya din a ako mag tataka kung natapos lang ito na may luha. Lam ko na masakit tanggapin lalo pa’t ako ang iniwan, alam ko na mahirap intindihin lalo pa’t ako ang nawalan, nandito pa kasi ang pag ibig nandito pa ang pagmamahal naka tatak pa sa aking utak.
Sa paanong medaling paraan ko maaaring kalimutan ang bawat sandal n gaming matamis na suyuan, sa paanong medaling paraan ko dapat matutunan na baliwalain an gaming pinagsamahan, oo ngat ordinary, simple pero para sa akin ay isang eleganteng samahan na ngayon kolang naramdaman.
Pero dumarating sa sandali na nararamdaman ko na wala naman ako talaga kailngang pang hinayangan dahil wala naman ngang magandang kinalabasan an gaming tatag at pakikipaglaban. Lumalaban ako ngayon upang siya ay kalimutan, ngunit noon ako ay lumalaban upang ang pagmamahalan ay madugtungan. Pero nung aking naramdaman na ang lahat ng ito ay wala naman talagang patutunguhan para san pa at ako ay nakikipaglaban. Sumuko ako dahil alam ko ang pakiramdam ng talunan ngunit lumaban ako dahil ako na meron pang paraan. Gagawin ko ang lahat para mabawi ko lang ang nawala upang madugtungan ko lang ang aking nasimulan.
Ngunit wala na talaga wala na akong magagwa nagsawa na ako na lumaban kasi habang tinuturuan ko ang puso nya na mag mahal, nilalaban naman iyon ng kaniyang isipan na ako ay kalimutan. Kayat para saan pa ang aking pakikipaglaban wala na wala ng dahilan wala na akong ibang paraan. Kung anot ano man ang kahinatnan ng lahat ng ito ang tanging ninanais ko na lamang ay mag karoon ng kapayapaan ang aking isipan. Kapayapaang tulad noong ako ay mag isa pa lamang na nakikibaka sa laban. Laban ng aking buhay, laban ng aking tagumpay
Tagumpay na wala naman talagang katuturan, tagumpay na di naman tunay na pakikipaglaban
I could be the most quiet person you know or the most funniest. But my personality falls in between. When im quiet im either thinking too much or i have nothing to say to you. When im talking im either making sense, saying something random or figuring out where to go and what i wanna eat. . I love being right and hate being wrong. I love the little things in life that makes me smile like my friends funny faces, random comments from people, sweeties, . I love spending time with my friends and love one, and the one who gets me to do things i dont wanna do but with a little peer pressure and whining he always gets me. I love spending time in quiet and cool places specially when there is a body of water..... I love to eat, sleep, and just being lazy.But when things need to be done, im all over the place. I dont like thinking too far into the future cuz i have no idea whats in store for me so i live my life day by day.
Chatboard (0)